i still love you??

August 3rd, 2009 by jinkyvinoya

Bakit ganoon nasasaktan ako kahit alam kong dapat hindi naman ako masaktan? Hindi naman kami alam ko iyon. Nag seselos ako ng walang dahilan. Dahil sa mga sinabi niya nung huli kaming nag usap parang bumalik yung pagmamahal ko sa kanya. Tinanong niya kung mahal ko pa ba siya, ayoko sagutin dahil hindi naman nawala yung pag mamahal ko sa kanya. Patuloy ko pa rin siyang minahal at pinahalagahan kahit nagkaroon ako ng iba. Korni man kung sabihin ko pero ito ang totoo palaging siya ang laman ng utak ko, pag gising hahalik ako sa unan kunwari siya yun, pag tulog aakapin ko ng mahigpit ang unan ko kunwari siya rin yun, sa tuwing kakain ako siya pa rin nasa isip ko. Napakahirap mag mahal ng palihim at ng taong nasa malayo sa iyo. Nalulungkot ako pag hindi niya man lang ako naalala, kung dati araw araw siyang laman ng cellphone ko netong mga nakaraang linggo wala na siya sa inbox ko, kaya kinontian ko na rin ang text ko sa kanya dahil baka maka abala lang ako sa kanya. Sobrang nalungkot din ako ng hindi na niya ako pinapansin pag naka online ako. Pakiramdam ko parang binabalewala na lang talaga ako. Nasasaktan ako kahit hindi dapat. Walang akong karapatan. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero may mahal siyang iba. Hindi ako. Natutulala na lang ako pag iniisip ko siya. Pinapangarap ko na sana balang araw makasama ko siya. Pero ayoko na ipag pilitan ang sarili ko, taena binura ko nga ang number niya sa cellphone ko niloloko ko lang naman ang sarili ko kabisado ko ang numero niya. Balang araw makakalimutan ko rin naman siguro ang number niya, balang araw makakalimutan ko ring minahal ko siya.
Ayoko na saktan ang sarili ko sa kakaisip sa iyo. Paalam mahal ko. Hindi na matutupad ang pangarap kong mahalin mo rin ako.

Why does love hurts?

July 18th, 2009 by jinkyvinoya

Ang love hindi naman talaga nananakit. Ang love talagang nag papaligaya. Subalit datapwat marahil hopya mani papkorn kaya tayo nasasaktan ay dahil sa sobrang minahal natin ang isang tao. Ibinigay natin ang ating oras, sarili at buong pagmamahal tapos tayo ay babalewalain at iiwanan. Pag tingin mong binalewala ka at iniwan doon na pumapasok ang sakit. May mga rason din siguro kung bakit tayo iniwan siguro ay dahil sa sobrang pag mamahal din inisip niya ang mas makakabuti para sa inyong dalawa sa hinaharap o marahil din ay dahil may nakita na siyang mas higit kaysa sa iyo kaya huwag ka nang umasa, move on! mas marami pa diyan ang mas malinamnam at mas masarap na gaya ko. (AHEM!)

–pablong pabling

hmm…confused?

September 5th, 2008 by jinkyvinoya

im so fed up.. i am relly confused concerning my feelings.. i dont know who to choose between the 4 boys that surrounds me.. i know that all of them are in a relationships, but they are still showing me some affection.. though they all know that i love them …… arghhh!!!! i cant continue.. until next time…..